Wednesday, October 28, 2009

Working Title - "Tarak" (2003)

Ayaw lumapit
Ayaw lumisan
Paano mangyayari

Tila kumontra ang pag sang ayon
May magaganap ba?

Di mapuno ang sobra
Malaki ang espasyo sa daang masikip
Kasya kung wala siya
Ngunit may magaganap ba

Ayaw lumisan na lang
Nang di naninikip ang mundo sa paghihintay sa wala

Dahil nandito, kahit katiting
Umaasang may tatarak sa puso mong
pag aari sa ngayon ng iba

No comments:

Post a Comment