Friday, October 23, 2009

BAWAL UMIHI DITO

Buhay ko'y parang isang bakanteng lote
Masukal.. Malansa.. Mapanghi
Masdan mo ang malagkit na pader
Nagtutong na ang kulangot at plema
Habang ang suminga at dumura ay nananatiling malinis at mabango
Nagmapa na ang henerasyon ng mga ihi sa putim na pader
Nakakahilo ang amoy
Kay panghi ng buhay

Baldehan na ang pook na ito
Naglilibag sa kababuyan ng iba
Bantayan ng taong may malasakit sa isang taong di kayang protektahan ang sarili

Sino mang mahuling umihi ay putulin ang titi
Sino mang muling manggulo ay hambalusin ang ulo
'Pagkat bawal nang umihi dito
Bawal umihi dito.

No comments:

Post a Comment