Friday, October 23, 2009

June 2009 Rude Awakening

Alam mo ba yung pakiramdam na wala ka gusto gawin, wala ka gusto maging, at wala ka gustong pasayahin? Lahat ng kilos at pakikisalamuha mo araw araw ay isang malaking kaplastikan para mabuhay kase ayaw mo rin mamatay. Kung mayroong paraan para makalabas sa ganito ng hindi mo kailangan literal na masugatan mamatay at mabulok, gusto ko malaman.Payo nila mabuhay para sa iba. Eh paano kung wala naman iba? paano kung ang gusto mo lang sabihin sa iba eh putangina nilang lahat.Galit ako sa lahat. Naiinis ako sa sarili ko. Nalulungkot ako para sa mga taong nagmamahal sakin kasi hindi ko nararamdaman na mahal nila ako at dahil dito hindi ko sila kayang mahalin. Hindi ko na kayang mahalin kahit magulang ko.

Ang tingin ko sa mga taong nagmamahal sakin ay halaman na kailangan diligan para hindi mamatay kasi pag nawala sila lalong papangit ang pangit na buhay.

Ayoko sila mawala.

Ayoko ng may kasama pero ayokong mag-isa

Aaaah =(

No comments:

Post a Comment